Nagpaabot ng magkakahiwalay at inisyal na mga ayuda ang tanggapan ng gobernador ng lalawigan ng Lanao Sur na si Gov. Mamintal Adiong Jr. maging ang MSSD-BARMM sa pamilya ng apat na namatay sa nabuwal na malaking puno sanhi ng malakas na hangin nito lamang Biyernes, Setyembre 13 sa Barangay Cabsaran sa bayan ng Malabang.

Ang mga biktima na minor de edad ay hindi na umabot ng buhay samantalang ang tsuper ng sinasakyan nitong traysikel na si Napi Abdulasiz at Abdulwaffy Mauntol at kasama nitong minor de edad ay ginagamot sa ospital dahil malubhang mga sugat na natamo nito.

Tatlo naman sa mga nasawing minor de edad ay mga estudyante ng isang islamic school sa Malabang.

Kasalukuyan namang nakaagapay ang tanggapan ng Gobernador sa pamamagitan ng PDRRMO at ng mga personahe sa probinsya ng MSSD-BARMM sa mga pamilya, maging ang mga kaanak ng mga nasawi at nasaktan na ginagamot sa ospital.