‎Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong hapon hanggang gabi, ayon sa pinakahuling weather forecast alas-5 ng hapon ngayong Pebrero 22.

‎‎Dulot ito ng umiiral na easterlies o hanging nagmumula sa silangan na nagdadala ng kaulapan at pag-ulan sa rehiyon.

Bunsod ng katamtaman hanggang sa minsang malalakas na pag-ulan, nagbabala ang mga awtoridad sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, partikular sa mga lugar na mababa at bulubundukin.‎‎

Inaasahan naman ang mahinang hanggang katamtamang lakas ng hangin mula silangan hanggang hilagang-silangan na may bahagya hanggang katamtamang pag-alon sa karagatan, na aabot sa 0.6 hanggang 2.1 metro.