Pinarangalan ng mga medalya at mga pagkilala ang 47 na personahe mula sa 6th Infantry Kampilan Division, Philippine Army kahapon, Oktubre 4 sa Camp Siongco sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte.
Ang pagpupugay at pagkilala ay isang pagpapasalamar sa kanilang kabayanihan at pagiging loyal sa gobyerno maging sa mamamayan bilang mga sundalo ng ating bansa. Pinangunahan ni 6ID at JTF Central Commander Major General Antonio Nafarette katuwang ang iba pang mga opisyales ang nasabing pagtitipon maging ang mga enlisted at civilian human resources ay saksi sa naturang pagtitipon.
Sa naging mensahe ng isa sa pinarangalan na si Master Seargeant Raul Jagonob na siyang may pinakamatagal na tao n ng serbisyo, sinabi nito na kahit wala na sila sa serbisyo ay taas noo nilang bibitbitin ang kanilang mga natutunan at dedikasyon para sa pagtatanggol sa bayan.
Pinasalamatan naman ni Major General Nafarette ang mga ito at ginawaran nito ng pagkilala ang buwis buhay na hirap at sakripisyo para sa bayan at hustong katapatan na taglay ng mga nagretirong mga sundalo.