Pinasinayaan na ng Department of Health Region 13 ang kauna-unahang Water Laboratory at Regional Storage Warehouse sa bansa sa Barangay Paraiso sa Lungsod ng Koronadal.
Ayon kay DOH Usec. Ma. Carolina Vidal – Taiño, ito ang kaunaunahang regional storage warehouse at cold chain facility sa buong Pilipinas na magpapabilis sa maayos at mahusay na delivery ng mga supplies tulad ng bakuna, equipments at emergency stockpiles.
Samantala, ang water laboratory naman ang titiyaj na malinis ang tubig na suplay sa buong rehiyon. Ipinakita naman ng isa sa kawani ng ahensya ang paggamit ng eLMIS o ang Electronic Logistics Management Information Systems.
Ayon naman sa alkalde ng siyudad na si Mayor Eliordo Ogena, ang paglalagay nito sa lungsod ay kanilang pinasasalamatan sa ahensya dahil sa mapapalakas nito ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng rehiyon.
Dagdag pa ng ahensya, dahil sa mga nabanggit na ahensya, kinikilala ang SOCCSKSARGEN region bilang modelo ng inobatiba at service delivery sa sektor ng kalusugan.