Ipinakita ng Cotabato City Police Office (CCPO) ang kanilang pagmamahal sa komunidad sa pamamagitan ng pamimigay ng bulaklak at lobo sa mga motorista ngayong Araw ng mga Puso.

Ayon sa CCPO, bahagi ito ng kanilang paraan upang ipadama ang kanilang pasasalamat at pagmamahal sa mga mamamayan, kasabay ng kanilang misyon na panatilihing ligtas ang lungsod.

Sa mensahe ni PCOL JIBIN M. BONGCAYAO, City Director ng Cotabato City Police Office, hinimok niya ang lahat na ipakita ang pagmamahal, respeto, at pagkakaisa upang mapanatili ang mapayapa at ligtas na Cotabato City.

Sa patuloy na suporta ng komunidad, tiniyak ng CCPO na patuloy silang magsisilbi at magbabantay para sa kaligtasan ng lahat.