Kasabay ng nalalapit na Bangsamoro parliamentary elections sa 2025, mas pinaigting ng mga lider-relihiyoso sa BARMM ang kanilang mga hakbang para wakasan ang rido o sigalot ng mga angkan.
Sa isinagawang Multi-Stakeholders Forum na pinangunahan ng Geneva Call, kasama ang mga lider ng pamahalaan, civil society, at tradisyonal na lider.
Ayon kay Sheikh Talal Sabpa ng Bangsamoro Darul-Ifta’, mahalaga ang papel ng mga Islamic at indigenous practices sa pagresolba ng rido, gamit ang pananampalataya at lokal na kasunduan bilang gabay.
Tampok sa forum ang pagsasanib ng legal na istruktura, lokal na kaugalian, at Islamic teachings para sa mas matibay na kapayapaan—lalo na sa harap ng halalan.
Ang rido ay matagal nang sanhi ng karahasan at paglikas sa BARMM, ayon sa UNDP.
Kaya’t patuloy ang panawagan ng mga lider na gamitin ang pananampalataya at dayalogo bilang susi sa katahimikan.