BINULAHAW ng sunod sunod na putok ng baril ang mga residente ng Barangay Dulangan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte pasado alas singko ng umaga kahapon, Huwebes July 19.
Sa naging pahayag ni Former Chairman Datu Michael Ayao, tinatayang abot sa sampung (10) armadong kalalakihan ang umatake at nambulabog sa kanilang barangay. Nagtamo ng mga tama ng bala ang kanilang covered court, day care center at limang mga kabahayan sa naturang barangay.
Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente, ngunit nagdulot umano ito ng trauma sa mga mamamayan ng barangay Dulangan.
Mag pasahanggang ngayon ay wala paring maisip na sanhi si Ayao kung bakit sila pina ulanan ng mga bala ng mga armadong kalalakihan.
Ayon sa tala, ito na ang ikatlong barangay na nakaranas ng pang haharass sa bayan ng Datu Odin Sinsuat. Una na rito ay ang Barangay ng Mompong, at ang Barangay Badak.
Nag papatuloy parin ang imbestigasyong ng kapulisan sa motibo ng nasabing harassment.