Nagsilikas sa takot ang ilang mga residente sa Barangay Libutan, Mamasapano sa Maguindanao del Sur matapos na mauwi sa karahasan ang isang insidente ng pamamaril-patay sa isang lalaki kahapon ng umaga.

Base sa inisyal na tala, gumanti ang kaanak na umano ay MILF Commander ng binaril na biktima dahilan upang mauwi sa kaguluhan ang sitwasyon.

Agad naman na tumungo ang tropa ng militar sa lugar upang maisigurong ligtas ang mga residente sa dalawang Sitio sa Libutan habang buong barangay naman ng Liab ang apektado sa nangyaring gulo.