Tumutuklas na ngayon ang Office of the City Agriculturist sa pangunguna ni City Agriculturist Myra Aisah Abas Pendaliday ng mga makabagong uri ng palay na kaya ang panahon ng tagtuyot at tagulan sa tulong ng Philrice.

Ito ay isa lang sa component ng Climate Smart Farmer Field School o CSFFS Training Program na iniimplementa ng CRC project.

Ang CSFFS ay may layunin na gawin ang mga tinaguriang small scale na magsasaka ng bigas sa lungsod na maging resiliente sa pabago bagong klima o panahon.

Nag-umpisa pa noong Agosto 18, 2024 ang kanilang 18 week training na nilalahukan ngayon ng dalawamput limang (25) mag-uuma at lima (5) namang field technician ng lungsod.