Tinatayang limang daang pamilya sa Barangay Tugal, Special Geographic Area BARMM mula sa walong mga sitio nito ang nag silikas kasunod ng girian ng dalawang mga armadong grupo. Ito ang naging pahayag ni Barangay Tugal Chairman Toks Pulalon. Nag-ugat umano ang girian dahil sa rido ng dalawang moro groups.
Ani Pulalon, dalawang lingo ng nasa evacuation center ang ilan sa mga sibilyan na nag si bakwit, samantala tatlo rito ay nasawi dahil sa karamdaman. Mag pasahanggang ngayon ay hindi parin pumapagitna ang MILF-CCCH dahil ang mga sangkot ay parehong mga kasapi ng MILF.
Ang mga kasapi ng 34th Infantry Battalion at PNP unit ng Midsayap at North Cotabato ay nasa lugar na para guwardiyahan ang mga sibilyan sakaling sumiklab pang muli ang gulo.
Sa ngayon ay nag papatuloy pa rin ang monitoring ng Nabalawag LGU sa mga apektadong sibilyan ng Barangay Tugal, at na nanawagan naman si Pulalon sa pamunuan ng MILF na mamagitan at kausapin ang naturang dalawang grupo.