Parehas na nakasungkit ng ginto at tansong medalya sa unang araw ng Batang Pinoy National Games 2025 sa General Santos City ang mga batang babae na siklista o lady cyclists ng Team Maguindanao del Norte.
Wagi ng gintong medalya si Juana Michelle Villamor para sa 12-13 years old habang Bronze naman ang nakuha ni Arrian Mae Pendalidty para sa 14-15 years old.
Kapwa di nagpalupig ang mga lady cyclists na sina Villamor at Pendaliday na nakipagsabayan pa ng tibay at lakas sa mga katunggali na mula pa sa ibat ibang panig ng bansa dahilan upang makakuha ng una at ikatlong pwesto para sa kanilang kategorya para sa Mountain Bike Female Division.
Patuloy pa rin na ginaganap sa General Santos City ang Batang Pinoy National Games 2025.

















