Nasabat ng kapulisan sa isang local fishport sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte ang mga smuggled yosi na nagkakahalaga ng P450,000.00 kahapon ng umaga.
Rumesponde sa tawag ng isang concerned citizen ang Sultan Mastura PNP hinggil sa isang bagahe na ibababa mula sa isang medium sized na bancang de motor at ng maberipika, dito na tumambad ang mga tambak ng yosi na nakatago sa ilalim ng isang blue na tarpolina.
Agad-agad na inabandona ng mga suspek ang nasabing mga kontrabando at kinustodiya na ng Sultan Mastura MPS ang mga nasabat na sigarilyo at nakatakdang iturnover sa aduwana o Bureau of Customs para sa naaayon na legal na hakbangin.