Arestado ang dalawang katao matapos mabisto ng kapulisan ang pagbiyahe nito ng mga smuggled na sigarilyo sa Sto. Niño sa probinsya ng South Cotabato.

Kinilala ni Sto. Niño PNP Chief Major Raymond Faba ang mga suspek na sina alyas Roli na stang driver ng truck at si Nik na helper nito at pawang na mga Lebak sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Major Faba, sila ay inaresto sa isang checkpoint sa national highway ng Barangay Panay ng madiskubre nila ang 3,700 na bilang ng reams ng smuggled na yosi na lulan ng kanilang binabyahe na 10 wheeler van.

Nagkakahalaga ayon kay Faba ang kontrabando ng P1.2-M piso at palulusutin sana patungo sa siyudad ng Digos.

Kulong ang dalawang smugglers sa kulungan habang ituturnover naman sa pangangalaga ng kawanihan ng Aduana o Bureau of Customs ang mga naturang kontrabando.