Arestado ng Cotabato City Police Station 2 ang walong kalalakihan matapos na mahuli ito sa aktong naglalaro ng laro na tinatawag na Bola-bola Cards sa Purok Pag-asa sa Barangay RH 10 sa lungsod kagabi.

Ang mga naaresto ay may mga hanapbuhay na payong payong driver at isang habal driver, isang magsasaka at dalawang estudyante.

Kinilala ni CIU Chief PLtCol Chris Cabugwang ang mga nahuli na sina alyas Den, Raul, Tha at Med na mga payong payong at habal driver, Jafar na walang trabaho at si Omar na estudyabte na nakatira sa Purok Awal, Barangay MBRH at sina Medin na taga Bagua 1 at Surin na residente ng RH 10.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa sila ng saturation drive operations kontra iligal na sugal sa nasabing lugar ng nadatnan nila ang mga suspek na naglalaro ng bola-bola cards. Nakumpiska dito ang laruang gamit at ang epra na nagkakahalaga ng halos 3,000.00.

Sa ngayon, kulong ang mga naaresto sa presinto Dos at mahaharap sa kasong may paglabag sa RA 9287.