Isang indibidual ang arestado sa nangyaring engkwentro kahapon ng hapon sa Patrol Base ng 34th IB ng Philippine Army sa bahagi ng Barangay Bagolibas, bayan ng Aleosan sa lalawigan ng Cotabato.

Sa naging ulat, nagsasagawa ng checkpoint operations ang tropa ng mga sundalo sa patrolbase nito ng makaengkwentro ng mga ito ang mga armadong lalaki.

Sa naging engkwentro, isa ang nasugatan at naaresto habang nasikwat naman ng mga sundalo ang 5 na pirasong M16 at 2 na M14 na baril.

Hindi pa tukoy ngayon kung anong grupo ang nakasagupa ng militar habang nagpapatuloy ang operasyon laban sa mga ito.

Nakaalerto naman ang pwersa ng 34th IB kasama ang pwersa ng kapulisan sa lugar.