Naglabas ng pagkundena si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa pananambang patay kay South Upi Maguindanao del Sur Vice Mayor Roldan Benito at isa nitong escort na si Weng Ramos at pagkasugat ng asawa at anak nito sa Barangay Pandan kahapon.

Sa inilabas na statement, sinabi ni Abalos na inutusan na nito ang pambansang pulisya kasama na ang militar na trabahuhing mahanap ang mga suspek.

Ayon pa kay Abalos, hindi nila ito mapapalampas hanggang sa maaresto at mabalatan ang maskara ng mga gumawa ng krimen.

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya Benito at Ramos ang nasabing kalihim at umapela ito sa publiko na makipagugnayan sa mga autoridad para sa agarang kalutasan ng kaso ng pagpatay.