Pormal nang isinampa ng binuong SITG Vice Benito ang kasong pagpatay o murder sa mga suspek sa karumaldumal na pagpaslang sa bise-alkalde, sa escort nito na si Weng Marcos at pagkakasugat ng magina nito.

Ito ang kinumpirma ng South Upi PNP kung saan hinihintay na lang ng mga ito na mailabas ang arrest warrant ng korte upang tuluyan nang mahuli ang mga suspetsado.

Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang mga suspek at nabatid ding hindi lamang tatlong indibidwal ang sinampahan ng kaso na may kinalaman at pagkakasangkot sa krimen.

Bukod anya sa tatlo, marami pa rin ang sasampahan at nasampahan na din ng kaso. Motibo ng paghihiganti at awayan sa lupa ang anggulo na naging sentro sa imbestigasyon ng otoridad kaya naikonekta ang mga nasabing suspek sa krimen.

Sa ngayon, gumugulong pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa isa pang kaso ng pamamaril sa bayan na ikinasawi naman ng isang Basir Saligan.