May katapat na gantimpala ang pagiging matapat.

Ito ang napatunayan ng mga nakasaksi nito lamang Huwebes, Oktubre 10 ng tanggapin ng 26 na mga honest tricycle drivers na mula sa Kabacan ang kanilang 10,000 cash incentives dahil sa kanilang ginawang pagsasauli sa mga may-ari ng mga bags, pera, alahas at mga dokumentong naiwan ng kanilang pasahero sa nakalipas na mga buwan.

Katuwang naman ni Governor Lala Taliño Mendoza sina Cotabato 3rd District Congresswoman Samantha Taliño Santos, Kabacan Mayor Evangeline Guzman at USM University President Francisco Garcia sa naturang pamamahagi ng naturang pabuya na galing sa pondo ng opisina ng gobernador.

Pinapurihan naman ng gobernador sa kanyang talumpati ang mga honestong tricycle drivers na ayon sa kanya ay dapat na gayahin at pamarisan ang kanilang katapatan at pagiging mahusay sa di pagangkin ng mahahalagang mga bagay na naiwan sa kanilang mga unit.