Pinangunahan ni PBGen Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), ang isinagawang Mandatory Drug Testing ng mga tauhan ng rehiyon nitong Enero 5, 2025 sa Camp BGen Salipada K. Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte.


Ang pagsusuri, na isinagawa ng Regional Forensic Unit BAR, ay bahagi ng pagpapatupad ng PNP Internal Cleansing Program, na naglalayong tiyakin ang integridad at disiplina ng kapulisan.


Ayon sa PRO BAR, pinatitibay ng inisyatibong ito ang kanilang paninindigan na mapanatiling drug-free, disiplinado, at maaasahang organisasyon ang pulisya sa rehiyon.