Pinangunahan ng mga opisina ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), City Health Office (CHO), at City Public Safety Office (CPSO) ang sabayang operasyon upang ipasara ang ilang water refilling stations na hindi sumunod sa itinakdang pamantayan ng lungsod.

Batay sa ulat, lumabag ang mga naturang establisyemento sa City Ordinance No. 2430, series of 2004, na kilala bilang Sanitation Code of Cotabato City. Layunin ng ordinansang ito na matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng inuming tubig para sa publiko.

Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalagang sumunod ang lahat ng negosyo sa mga regulasyon, lalo na kung ito ay may kinalaman sa kalusugan ng mamamayan. Binigyang-diin din nila na ang mahigpit na pagpapatupad ng batas ay para sa kapakanan at proteksyon ng bawat residente ng lungsod.