Nagbigay agapay ang pamahalaang lokal ng Midsayap, Cotabayo sa mga senior citizens na nahihirapan o hindi na makapaglakad matapos na magbigay ito ng wheelchairs kamakalawa.

Ang mga ipinamahaging tulong ay isa lamang sa mga inisyatibo ng administrasyon ni Mayor Rolly Sacdalan upang mapagaan ang buhay ng mga katandaang mas may higit na pangangailangan.

Patunay lang din aniya ito ng pagsisikap ng LGU Midsayap upang mapanatili ang pagmamalasakit at pagsilbi ng may puso sa mga nakakatanda at iba pang mamamayan.

Ang nasabing programa ay naging ganap sa tulong ng MSWDO ng munisipyo.