Nagpahayag ng taos-pusong tiwala at suporta ang MILF Central Committee – Political Committee sa pamumuno ni MILF Chairman Alhaj Murad Balawag Ebrahim, sa pamamagitan ng isang opisyal na statement of support na pinirmahan ng mga miyembro ng komite.
Sa kanilang pahayag, binigyang-diin ang hindi matatawarang dedikasyon, kahusayan, at integridad ng dating BARMM Chief Minister, gayundin ang kanyang katapatan at matatag na paninindigan sa layunin para sa kapakanan ng rehiyon.
Nilagdaan ang nasabing statement of support sa katatapos na konsultatibong pagpupulong ng komite na isinagawa sa Camp Darapanan noong Marso 15, 2025.