Ginunita kahapon, Pebrero 11, dalawampung taon na ang nakakaraan ng maganap ang pinakamatinding aerial and ground attack sa pagitan ng tropa ng militar at ng MILF na pinamumunuan noon ni Moro Islamic Liberation Front Chairman Amirul Mujahideen Sheikh Salamat Hashim sa Buliok, Pagalungan Maguindanao del Sur habang sila ay nagsasagawa mg Qutba sa araw ng Eidl Adha.

Sa kabila ng matinding putukan at mga pagsabog sa pagitan ng dalawang tropa, ipinagpatuloy pa rin ng mga dumalong mananampalataya ang kanilang Qutba.

Sa panahon natin ngayon, ang pangyayari na ito ay isang malaking tatak ng matibay at mahusay ma pananalig ng mga lideres moon sa patuloy na pagkamit ng kapayapaan at kalayaan sa ating minamahal na Bangsamoro na atin nang tinatamasa ngayon.