Isinagawa noong Oktubre 29, 2025 ang isang Mediation and Peace Dialogue sa Sub-Office of the Governor sa Talayan, Maguindanao del Sur, na pinangunahan ni Governor Datu Ali Midtimbang katuwang sina Mayor Bai Maruja Ampatuan Mastura, Brigadier General Edgar Catu ng 601st Brigade, at iba pang opisyal.
Layunin ng pagpupulong na maayos sa mapayapang paraan ang alitan sa pagitan ng grupo ni Commander Sukarno Ampatuan ng 105th Base Command at Commander Patrick Omar ng 128th Base Command, na nag-ugat sa isyu ng boundary dispute sa pagitan ng Barangay Sampao, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur at Barangay Sigayan, Lambayong, Sultan Kudarat.
Sa pamamagitan ng bukas na dayalogo, inaasahang mabibigyang-linaw ang usapin at maibabalik ang tiwala at komunikasyon sa pagitan ng dalawang panig.
Ayon sa mga opisyal, patuloy ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya upang maiwasan ang panibagong tensyon at mapanatili ang kapayapaan sa mga lugar na apektado ng nasabing sigalot.
 
		
















