Magsasagawa ng Consultative Meeting at General Assembly ang Moro Islamic Liberation Front o MILF sa mga miyembro, sympathizers at mga kinatawan nito.

Gaganapin ang naturang pulong at asembliya sa Setyembre 23, lunes sa Camp Darapanan sa Sultan Kudarat mula alas 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

Ayon sa kalatas, bahagi ng dedikasyon at pakikiisa sa mga hakbang ng MILF ang naturang pulong para sa pagpapatuloy ng mga nasimulang positibong pagbabago sa rehiyon ng Bangsamoro.

Mapapakinggan din sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin sa pagpapatatag ng pagkakaisa at layunin sa Bangsamoro.

Inaasahan ng MILF ang pakikilahok at pagdalo sa pulong at asembliya ng mga may kaugnayan sa kanilang pwersa.