Nagpahayag ng pasasalamat si dating Bangsamoro Chief Minister at kasalukuyang MILF Chairman Ahod Balawag Ebrahim kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naging papel nito sa pagsulong ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa isinagawang General Assembly ng MILF ngayong araw sa Camp Darapanan, sinabi ni Ebrahim na tanging sa ilalim lamang ng administrasyon ni Duterte tunay na umusad ang BOL — isang landmark law na nagtatag sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nilagdaan ito ni Duterte bilang batas noong 2015 at naratipikahan sa pamamagitan ng plebesito noong 2019.

Ayon kay Ebrahim, maraming balakid ang hinarap sa proseso ng pagpapatupad ng BOL, kabilang na ang Mamasapano encounter noong 2015 na pansamantalang nagpabagal sa proseso. Gayunpaman, sa ilalim ni Duterte, naging posible ang katuparan ng batas dahil sa kanyang determinasyon na wakasan ang kaguluhan at isulong ang kaunlaran sa rehiyon.

Aniya, ang kapayapaan at pag-unlad na tinatamasa ngayon ng BARMM ay bunga ng BOL, at kaya’t malaki ang pasasalamat ng pamunuan ng MILF kay dating Pangulong Duterte sa kanyang matibay na suporta at pagsisikap para sa kapakanan ng mga Bangsamoro.