Para sa peace panel chief ng MILF na si Mohagher Iqbal, kung siya ang tatanungin, pabor pa rin ito na matuloy ang unang eleksyong pangparliamentaryo sa susunod na taon sa rehiyon.
Ayon kay Iqbal, isa kasi sa kinakailangan upang maisalang na sa paguusap ang exit agreement ng GPH-MILF peace deal ay ang pagkakaroon ng halal na gobyerno o mga opisyal.
Dagdag pa ni Iqbal, hindi na ito nababahala kung di na MILF ang mamiminunp sa BARMM Government dahil ito naman ay halal ng taumbayan sa rehiyon.
Bago ang exit agreement, muling magsasama sama para sa pagpupulomg ang gobyerno at MILF panel kasama ang mga Malaysian Facilitators at ang tagamonitor na Third Party Team para mapagusapan kung naipatupad na ba ang kabuuan ng lahat ng nakapaloob sa kasunduan.
Ginawa ni Iqbal ang naging pahayag nito sa isinagawang deliberasyon ng malapad na kapulungan ng kongreso sa pamamagitan ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms nito lamang kamakalawa hinggil sa panukalang BPE postponement sa rehiyon.