Tiniyak ng tagapagsalita ng UBJP na si Engr. Mohajirin T. Ali na handang-handa na ang United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa muling pagsabak sa nalalapit na parliamentary election.
Ayon kay Ali, tuloy-tuloy ang kanilang mga aktibidad at pakikipag-ugnayan sa komunidad bilang bahagi ng paghahanda ng partido.
Dagdag pa nito, kamakailan lamang ay nagsagawa ng isang event ang UBJP sa kanilang headquarters kaugnay ng pagdiriwang ng Ramadan.
Iginiit din ng opisyal na kumpiyansa ang kanilang hanay at wala silang nakikitang dapat ikabahala sa darating na halalan.
Samantala, sinabi ni Ali na magsisilbing gabay ang ilalabas na calendar of activities ng Commission on Elections para sa lahat ng political parties.
Gayunman, aminado ito na nakasalalay pa rin ang final na takbo ng eleksyon sa pagpirma ng batas na magtatakda kung matutuloy o mare-reset ang halalan sa Bangsamoro.

















