Nanguna ang Ministry of Interior and Local Government BARMM sa pagturnover nito ng pito (7) na bagong police patrol vehicles sa Police Regional Office ng rehiyon nitong Disyembre 14 sa BARMM Readi, Bangsamoro Government Center sa lungsod ng Cotabato.

Bago pa man naganap ang naturang turnover, nagpirmahan muna ang dalawang ahensya ng MOA o Memorandum of Agreement upang mapagtibay ang commitment ng dalawang panig para sa seguridad at kapayapaan ng rehiyon.

Sa naging talumpati, sinabi ni MILG Minister at MP Atty. Sha Dumama Alba, mahalaga aniya ang pagkakaroon ng patrol vehicles upang mapaigting ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

May panawagan naman si Atty. Alba sa mga gagamit ng ibinigay na kagamitan na sinupin itong mabuti at mahusay.

Samantala, pinasalamatan naman ng kinatawan ng PRO-BAR na si PCOL Julius Cecil S. Ordoño, OIC ang MILG BARMM at ang BARMM Government sa pagbibigay ng suporta at moral boost nito sa hanay ng kapulisan na kanila namang magagamit at magiging inspirasyon upang maisakatuparan ang kanilang mithiin ng ligtas at payapang BARMM region.

Enter

Brian