Mariing kinundena ng 601st Infantry Brigade ang panununog ng sampung (10) bahay ng armadong grupo sa Barangay Malingao, Shariff Aguak.

Nag-ugat ito sa sagupaan ng dalawang grupo noong Linggo ng gabi na tumagal ng mahigit apat (4) na oras at nagbunsod ng paglikas ng mga residente.

Tinuligsa ng militar ang insidente, lalo’t kasabay ito ng pagdiriwang ng Banal na Buwan ng Ramadhan.

Agad namang rumesponde ang Quick Reaction Teams mula sa 33IB upang mapanatili ang kaayusan at tulungan ang mga apektadong komunidad.

Ngayong araw, personal na nagtungo sa lugar si Brigade Commander Gen. Edgar Catu kasama si Mayor Akmad Mitra upang suriin ang sitwasyon.

Tiniyak ng militar at PNP ang patuloy na seguridad at tulong para sa mga evacuees.