Sugatan ang (9) siyam katao kabilang ang (8) walong bata matapos na aksidenteng mabangga ng isang KM Military Vehicle ang isang Multicab kahapon ng hapon sa Sitio Daiwan, Capiton sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte .

Kinilala ang mga nasugatan na sina Norhuda, 10 anyos, Norhadi, 9, Noraifa, 7, Norhada, 4, Norhariz 2, Joham 9, Bader 7 at Niña, 36.

Sa panayam kay DOS PNP Trafffic Investigator PSSG Bobby Pendililang, minamaneho ni Zuhari Abas ang multicab sakay ang siyam na indibidwal at ang KM naman ay minamaneho ni Saimore Cayetano ng maganap ang insidente.

Pauwi na sana ng Sitio Daiwab ang multicab habang papunta naman ng Cotabato City ang nasabing KM Vehicle ng maganap ang aksidente.

Nasa kustodiya naman ngayon ng DOS PNP ang mga sasakyan habang on going pa ang pagagamot ng mga sugatan.