Apektado ngayon ng ITCZ ang malaking bahagi ng Mindanao.

Sa Basilan at Tawi-Tawi, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Posibleng magkaroon ng flash floods at landslides, lalo na kapag tuloy-tuloy ang katamtaman hanggang malakas na ulan.

Sa natitirang bahagi ng BARMM, magiging bahagyang maulap hanggang maulap na may paminsan-minsang pag-ulan o thunderstorms. Dapat bantayan ang flash floods at landslides kapag may malalakas na ulan.

Source: Pagasa Cotabato Station