Patay ang isang kapitan at ang misis nito na kalihim ng Barangay Bulibod, Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte ng pagbabarilin ito, linggo ng hapon.

Sa ulat, kinilala ang biktimang kapitan na si Esmael Mustapha y Latip at ang asawa nitong kalihim ng barangay na si Rahima Maulana. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pauwi na sa bahay ang mag-asawang kapitan at kalihim ng tambangan sa Barangay Road ng Bulibod ng humigit kumulang na anim na suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng matataas na kalibre ng armas. Nagpapatuloy naman sa imbestigasyon ang kapulisan upang malaman ang motibo at suspetsado sa pamamaril ng kapitan at maybahay nito.