Ayon kay PLt.Col. Esmael Madin, hepe ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa mga indibidwal na naglilibing ng isang lalaki sa Barangay Bitu.
Nang rumesponde ang mga pulis, napatunayan nila na ang bangkay ay si Daniel Navarro Datulayta, ang mister ni Noraina, base sa larawan na ipinakita ng kanyang asawa sa mga awtoridad.
Natuklasan na may mga sugat si Daniel, na pinaniniwalaang tinaga ng bolo. Isa sa mga suspek, na unang nakilala sa alyas na “Palao,” ay nahuli at nakumpiskahan ng shotgun.
Ayon sa mga rekord ng pulisya, may mga kasong may kinalaman sa droga na nakatala sa pangalan ni Palao. Siya ngayon ay nakakulong at haharap sa kasong robbery with homicide. Ang iba pang mga kasamahan nito ay patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.
Base sa salaysay ng suspek, sinasabing lasing si Daniel nang magmaneho ng kanyang itim na motorsiklo at mag-semplang. Imbes na tulungan, ninakaw ng mga salarin ang motor at ang bag ni Daniel, na may lamang cellphone at pera, bago nila ito pinagtulungang ilibing.