Idineklarang Grand Champion ang M’lang National High School sa naging street dancing competition kasabay ng culminasyon ng Kalivungan Festival 2024 at 110th Founding Anniversary ng probinsya ng Cotabato.

Instant 1 Million pesos ang tinanggap ng M’lang NHS bilang premyo.

Samantala, nasa 1st place ang bayan ng Midsayap na tumanggap ng 700,000 at 2nd Placer naman ang Kidapawan City na naguwi ng kalahating milyong piso.

Sa mga special awards, Best in Street Parade at Best in Costume ang bayan ng Midsaya Best in Musicality ang bayan ng M’lang.

Ang mga nabanggit na nanalo ng special awards ay tatanggap ng 100,000 kada isa.

Congratulations sa mga nanalo at Maligayang Anibersaryo ng Pagkakatatag sa Probinsya ng Cotabato!