Magkahalong emosyon at pagkadismaya ang naramdaman ng MNLF o ng Moro National Liberation Front sa naging desisyon ng korte Suprema na burahin sa mapa ng BARMM ang lalawigan ng Sulu.
Ayon kay MNLF Chairman at Minister of Labor Muslimin Sema, saya at lungkot ang naging reaksyon niya ng mabalitaan ang desisyon.
Saya sapagkat lumabas na legal at sang-ayon sa batas ang Bangsamoro Organic Law o BOL.
Lungkot naman dahil sa nahiwalay ang SULU sa BARMM.
Sinabi pa nito na hindi katanggap tanggap ang naging desisyon ng Supreme Court dahil aniya ay malaking sampal at insulto ito sa lahat ng mga nagbuwis buhay upang makamit ng Bangsamoro ang kasarinlan.
Patuloy naman na nananawagan si Sema kay PBBM na tignan ang naging problema na ito.