Magsasagawa ng Signature Campsign sa lalawigan ng Sulu ang MNLF o Moro National Liberation Front upang kumbinsihin ang gobyerno na maibalik ang lalawigan sa BARMM.

Inaasahang magsisimula ang pagkilos ngayong linggo na hihiling sa National Government na maibalik sa rehiyon ang Sulu.

Susundan naman ng peace rally ang nasabing signature campaign.

Nauna nang sinabi ni MNLF Chairman Muslimin Sema na hindi ito pumapabor sa naging desisyon ng korte suprema na ihiwalay ang Sulu at BARMM at tinawag pa itong isang malaking sampal sa mga nagbuwis buhay upang maipaglaban ang self determination ng mga Bangsamoro sa rehiyon.