Matagumpay na naidaos ang unang batch ng Mobile Passporting Applicants ng Bayan ng Pikit na isinagawa sa DFA Consular Office sa lungsod ng Kidapawan.

Ito ay hatid pasasalamat ng pamahalaang Bayan ng Pikit sa ika 75th na taong pagkakatatag nito. Natulungan sa programa ang limampu (50) na aplikante na kukuha ng pasaporte.

Dumalo sa nasabing programa ang kinatawan ng DFA na si Kidapawan Head Nadjefah Mangondaya at si Pikit PESO Manager Janice Abas.

Naging magkatuwang ang DFA at Pikit PESO upang maisagawa ito at labis na pinasalamatan ng mga aplikante si Mayor Sumulong Sultan na siyang nagbigay inisiyatibo sa naturang programa.