Itinalaga ng Iran si Mojtaba Khamenei bilang bagong Supreme Leader ng bansa, kasunod ng pagkasawi ng kanyang ama na si Ayatollah Ali Khamenei.

Ang pagpili kay Mojtaba ay isinagawa ng Assembly of Experts, isang konsehong binubuo ng 88 na senior clerics na inihalal upang mangasiwa sa pagpili ng pinakamataas na lider ng Iran.

Ang huling pagkakataon na nagtalaga ang naturang konseho ng Supreme Leader ay noong pumanaw si Ayatollah Ruhollah Khomeini, ang nagtatag ng Islamic Republic ng Iran noong 1979. Sa panahong iyon, si Ali Khamenei ang napili upang pumalit sa liderato ng bansa.

Samantala, nauna nang nagpahayag si US President Donald Trump na hindi umano magtatagal sa puwesto ang susunod na magiging Supreme Leader ng Iran.

Magugunitang nasawi si Ayatollah Ali Khamenei matapos ang isinagawang pag-atake ng Estados Unidos at Israel.