Nasa coma at umano’y malubhang nasugatan ang bagong Supreme Leader ng Iran na si Mojtaba Khamenei matapos itong tinamaan ng isang airstrike na ikinamatay ng kanyang ama.

Ayon sa mga ulat, nawalan si Mojtaba ng isang paa at nagkaroon din ng pinsala sa tiyan at atay. Kasalukuyan umano siyang ginagamot sa Sina University Hospital sa Tehran, kung saan mahigpit ang seguridad at pinangangasiwaan ng veteran trauma surgeon na si Mohammad Reza Zafarghandi.

Iniulat ng Iranian state television na nasa maayos na kundisyon si Mojtaba, ngunit ang mensahe ay binasa ng news anchor at hindi niya personal na inilabas. Sa pahayag, nagbabala ang bagong lider tungkol sa patuloy na banta sa rehiyonal na shipping routes, kabilang ang Strait of Hormuz.

Dagdag pa sa ulat, ang mga kasalukuyang operasyon ng Iran ay umano’y hindi pa direktang utos ni Mojtaba, na nakatutok sa pag papagamot habang patuloy ang pagmamanman sa kanyang kalagayan