Malugod na tinanggap ng tanggapan ng Ministry of Labor and Employment o MOLE- BARMM ang mga kinatawan ng International Organization for Migration o IOM nito lamang nakalipas na linggo.
Malugod naman na pinasalamatan ni Bangsamoro Labor Minister Muslimin Sema ang pinuno ng IOM suboffice sa bansa na si Erina Yamashita at ang kanilang peace and development project assistant na si Sahara Mama sa ginawa nitong pagbisita sa tanggapan nito sa Bangsamoro Capitol, Cotabato City.
Tinalakay sa naturang pulong ang pagpalalakas ng kooperasyon sa pagsulong ng mga programang makakabuti sa kalalagayan ng mga moro, kristiyano at mga non-islam IP’s sa sektor ng paggawa sa BARMM.
Kasama din ni Minister Sema sa pulong sa IOM ang kinatawan ng Overseas Workers Welfare Bureau na si Mohiddin Usman at isa pang opisyal nito na si Nur Gabid Taup.
Ang isa sa matagal nang katuwang ng MOLE BARMM sa mga programa nito na sumusupil sa child labour at paggamit ng kabataan bilang mga mandirigma ay ang International Labour Organization na ahensya ng United Nations o UN.