Isang bagong suspected case ng monkeypox ang naitala noong Hunyo 9, 2025, ayon sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Ministry of Health – BARMM. Mula Mayo 5 hanggang Hunyo 9, umabot na sa kabuuang 47 ang kaso ng monkeypox sa rehiyon. Sa bilang na ito, 32 ay suspected cases, 7 ang probable, at 8 ang kumpirmado. Maliban sa isang suspected case, lahat ay kasalukuyang naghihintay ng laboratory test results.

Sa parehong panahon, may 12 kaso ang nakumpirmang negatibo. Umabot naman sa 40% ang positivity rate ng monkeypox sa BARMM hanggang Hunyo 9.

Sa Cotabato City, may 16 na suspected cases, 2 probable, at 2 confirmed. Sa Maguindanao del Sur, may 9 suspected, 2 probable, at 3 confirmed cases. Sa Maguindanao del Norte, 5 ang suspected, 3 ang probable, at 3 rin ang confirmed. Sa Lamitan City, may 2 suspected cases ngunit walang probable o confirmed cases.

May naitalang walong recovered cases: apat mula sa Maguindanao del Norte at apat mula sa Cotabato City. Isang suspected death dahil sa monkeypox ang iniulat sa Cotabato City.