Sa naging talumpati ni Sultan Kudarat Municipality Vice Mayor Datu Shameem Mastura sa official launching ng anibersayo, binigyang diin nito ang pagiging ‘HALL OF FAMER’ ng Seal of Good Local Goverance ng bayan ng Sultan Kudarat na binubuo ng 39 barangays.
Aniya, paka-aabangan ng mga mamamayan ang mga nakalatag na EXCITING activities na kinabibilangan ng mga palaro sa mga iba’t ibang sports, entertainment, at ang trade fair na kung saan tampok ang mga orihinal na produktong gawa mismo sa bayan.
Ipinagmalaki naman ng Bise Alkalde, na kung tatantsahin nasa 90% na ang sementadong kalsada na nagdudugtong sa mga barangay na kanyang nasasakupan, aniya ito ay resulta ng pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, Bangsamoro Government, ARMM (noon), at One Maguindanaon Provinces.
TEMA: “𝙎𝙆 @ 77: 𝙍𝙞𝙨𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙗𝙤𝙫𝙚 𝘾𝙝𝙖𝙡𝙡𝙚𝙣𝙜𝙚𝙨, 𝙒𝙤𝙧𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙤𝙧𝙚 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙚𝙨𝙨, 𝙀𝙢𝙗𝙤𝙙𝙮𝙞𝙣𝙜 𝘼𝘽𝘼𝙉𝙏𝙀 𝙏𝘼𝙔𝙊”