Nasakote ng magkatuwang na grupo ng CIDG Maguindanao PFU at UPI Municipal Police ang isang top 10 na most wanted sa lebel ng probinsya ng Maguindanao del Norte matapos itong mahuli sa Sitio Pinto, Renede sa bayan ng South Upi kamakalawa ng hapon.
Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng nasabing suspek na kinilalang si alyas Perut at Mundas Anok.
Walang piyansa ang nasabing asunto ni alyas Perut at nasa kustodiya na ito ng CIDG Maguindanao PFU para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.