Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isa sa pinakawanted na suspek sa kaso ng panloloob sa probinsya matapos ang matagumpay na operasyon ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) kasama ang Regional Intelligence Unit-15, Setyembre 8, 2025 sa Brgy. Inudaran, Marantao.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Saliling”, nasa hustong gulang, at nakalista bilang Top 8 Most Wanted Person sa Lanao del Sur. Nahuli siya sa bisa ng isang standing warrant of arrest, bunga ng pinagsanib na lakas ng mga pulis at suporta mula sa komunidad.

Pinuri ni PBGEN Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng PRO BAR, ang kasipagan at koordinasyon ng mga operatiba, gayundin ang pakikiisa ng mamamayan. Aniya, hindi titigil ang PRO BAR sa pagtugis sa mga puganteng kriminal at lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa krimen sa rehiyon