Sugatan ang isang pulis matapos na pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa mismong traffic light sa Población 6, Cotabato City kagabi, Agosto 16.

Kinilala ang binaril ng suspek na si Col. Mohammed Ampatuan na miyembro ng Traffic Enforcement Unit ng pulisya sa syudad.

Nakatakas naman ang suspek sa bahagi ng Poblacion 5 ng lungsod habang narekober naman ang inagaw na motosiklo mula sa isang habal-habal driver na ginamit bilang getaway vehicle ng suspek.

Makikita sa mga larawan na halos napuno ng dugo ang harapang bahagi ng motor, indikasyon na may tama malalang tama baril ang suspek.

Sa ngayon, inaalam parin ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa biktimang pulis.

Ang nakabaliktad na motorsiklo ni PCpl Mohammed Ampatuan kung saan binaril ito ng suspetsado sa Poblacion (6) Sais.
Sa mataong lugar naganap ang pamamaril sa isang pulis, ito ay sa mismong traffic light sa Poblacion 6 ng siyudad.
Ito ang motor na inagaw ng suspek sa isang habal-habal driver na nakaparada sa gilid ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas – Cotabato City na narekober ng mga otoridad sa bahagi ng Poblacion 5 ng lungsod at ito ay halos maligo ng dugo ng suspek.
Ang puno sa dugo na getaway motorcycle na inabandona din ng suspek sa Poblacion (5) Singko.
Ang puno sa dugo na getaway motorcycle na inabandona din ng suspek sa Poblacion (5) Singko.