Patuloy na iniimbestigahan ng Cotabato City Police ang motibo at mga persons of interest na maaaring may kinalaman sa insidente ng pamamaril sa dalawang babae na naganap kahapon sa Parang Road, Quezon Avenue, Cotabato City.

Ayon kay PLt. Rochelle Evangelista, tagapagsalita ng Cotabato City Police Office (CCPO), sa panayam ng Star FM Cotabato, kasalukuyang tinutukoy ng mga awtoridad ang mga posibleng suspek sa krimen.

Kinilala ang nasawing biktima na si Almira Hamsa Usman, 27-anyos, isang self-employed na walang asawa at residente ng Bagua 2.

Samantala, nakaligtas naman ngunit sugatan ang isa pang biktima na si Jane Ersando Palileo, isang negosyante at may-asawa, na nakatira sa Rosary Heights 12.

Ayon sa paunang imbestigasyon, walang indikasyon na may kaugnayan sa pulitika ang naturang insidente.

Dahil dito, hindi ito maituturing na election-related incident.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing pagsisiyasat ang mga awtoridad upang matukoy ang tunay na dahilan ng pamamaril at upang mahuli ang mga responsable sa krimen.