Patuloy pa ring inaalam ng Upi PNP sa pangunguna ni UPI MPS Chief PLt. Rogel Docena, ang motibo sa pamamaril-patay sa isang negosyante sa Brgy. Kibleg, Upi, Maguindanao del Norte hapon nitong Lunes. January 06, 2025
Ang biktima ay kinilalang si Edwin Valdez, 42 anyos, residente ng Brgy. Nuro sa parehong bayan ng Upi.
Sa ulat ng hepe ng Upi MPS na si PLt. Rogel Docena, binabaybay ng biktima ang daan pauwing Upi nang pagsapit nito sa pakurbadang bahagi ng kalsada ay dito na pinagbabaril-patay ng mga di pa nakikilalang suspek.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ang biktima siyang agad na ikinasawi nito.
Base sa crime scene, hindi tinangay ng mga suspek ang motorsiklo at personal na kagamitan ng biktima kaya’t paniniwala ng PNP hindi robbery o hold-up ang motibo ng krimen.
Patuloy namang gumugulong ang malalimang imbestigasyon ng otoridad hinggil sa insidente.
Dagdag pa rito, nagpaabot ng kani-kanilang pakikiramay ang kaanak ng biktima at hiiling ng mga ito ang agarang hustisya.
Napag-alamang nag-mamay-ari ng isang grocery store sa Bayan ng Upi ang pamilya ng biktima.