Tiklop at kulong ang isang lalaki sa Koronadal City Police Station matapos na manakit na ito ng CSU, nanginsulto pa ito ng pulis sa kalye Odi, Barangay General Paulino Santos kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng kapulisan, nagkaareglo na ang mga motorista na nasangkot sa banggaan na sina alyas Mel at Jay.
Saktong dumating naman ang anak ni Mel na alyas Pao at dito na nagkabangayan ang magama.
Pumagitna naman ang isang miyembro ng Civil Security Unit na si Khate Montes sa nagbabangayang magama upang umawat ngunit sinugod ni Mel ang pobreng CSU at sinipa ito sa tagiliran.
Nakuha pang mambastos ni Mel sa mga rumespondeng kapulisan at nagpumiglas pa na umabot sa pakikipagpambuno ng PNP sa kanya na tumagal ng 20 minutos.
Magsilbi na aniya itong babala sa mga nagtatangkang mambastos at subukin ang kakayanan ng autoridad, pisikal man o sa verbal.