Dead on arrival na ng maisugod sa ospital ang isang motorista matapos na masangkot ito sa aksidente sa Purok Dos, Dumadalig, Tantangan South Cotabato nitong linggo.
Kinilala ang biktimang nasawi na si Ramel Cosio Jr., 27 anyos at taga bayan ng Sto Niño sa nabanggit na probinsya.
Sa imbestigasyon ng Tantangan PNP, umiwas pa diumano ang tsuper ng L300 na si Joseph Gido ng lumiko si Cosio na mula pa sa kabilang linya ngunit nahagip pa rin ito.
Sa lakas ng pagtilapon, matinding tama sa ulo ang inabot ng biktima na pinaniniwalaang nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin ng maganap ang insidente.